Friday, June 10, 2011

US NAALARMA NA

MANILA, Philippines - Naalarma na ang Estados Unidos sa sunud-sunod na panghihimasok ng China sa teritoryong sakop ng Pilipinas sa pinag-aagawang Spratly Islands kaya umapela na ito sa pamahalaang China at Pilipinas na panatilihing ma­ging mahinahon sa kabila ng umiinit na palitan ng salita ng dalawang bansa.

Sinabi ni US Ambassador Harry Thomas Jr. na patuloy na naka-monitor ang Amerika sa nagaganap sa South China Sea subalit nilinaw niya na walang pinapanigan ang Estados Unidos sa anumang bansang nag-aangkin sa Spratlys.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo Oban, anim na insidente ng pagpasok ng China nang walang pahintulot ang namonitor ng AFP sa nasabing isla.

Bagaman wala uma­nong balak humingi ng tulong ang Pilipinas sa US dahil sa patuloy na pambu-bully ng China sa bansa kaugnay sa Spratly issue, alinsunod sa Mutual Defense Treaty, obligado ang US forces na sumaklolo sa Pilipinas kapag dumating sa puntong gigiyerahin ito ng ibang bansa tulad ng China.

Ayon pa kay Oban, gaganti ang tropa ng bansa kapag inatake ang mga ito ng anumang puwersa sa Spratlys pero tiwala rin ang Chief of Staff na mareresolba sa diplomatikong pamamaraan ang gusot sa Spratly na hindi na kailangan pang humantong sa ‘shooting war”.

Sa kasalukuyan ay mayroon lamang isang radar ang AFP para magamit sa monitoring gayong anim ang kailangan.


READ FULL STORY

0 comments:

Post a Comment