Thursday, June 2, 2011

SAME SEX MARRIAGE NAMAN!

Posibleng magkaroon na rin ng panukalang “same sex marriage” sa Ma­babang Ka­pulungan ng Kongreso sa sanda­ling pumasa at maisabatas ang divorce.

Sinabi ni CIBAC party list Rep. Sherwin Tugna, na hindi mala­yong magkaroon na rin ng same sex marriage bill sa san­daling pumasa ang divorce bill sa Kamara kaya mahigpit umano niya itong tinutulan

Bukod dito, ang panukalang diborsyo ay magbibigay daan sa mas malaking problema kung saan makokompromiso ang moralidad ng mga Pilipino sa halip na gumawa ng solusyon.

Idinagdag pa ni Tugna­ na, kapag pina­yagan ang mga nabanggit na panukalang ba­tas at lu­musot sa Kongreso, ma­laki na rin ang posibilidad na mas marami pang panukalang labag sa moralidad at paniniwala ng mga Pilipino ang maihain tulad na lamang ng pagligalisa sa aborsyon.

Ayon naman kay Eas­tern Samar Rep. Ben Evardone, hindi im­posibleng magkaroon ng same sex marriage bill sa Kamara suba­lit baka mas mahirap umano itong makalusot at maisabatas.

Matatandaan na ini­hain ni Gabriela party list Reps. Luzviminda Ila­gan at Emmie de Jesus ang House bill 1799 o “An Act Introducing Di­vorce in the Philippines” upang matugunan ang karahasan sa mag-aasawa kung saan ang siguradong ma­ki­kinabang umano dito ay mga kababaihan.

Samantala, posibleng suportahan ni Sena­tor Francis “Chiz” Escudero ang panukalang batas na naglalayong gawing legal ang diborsiyo sa Pilipinas kung ang dahilan sa pagsusulong nito ay maging “accessible” at “affordable” ang legal na pamamaraan nang paghihiwalay ng mag-asawa.


READ FULL STORY

0 comments:

Post a Comment