Patuloy ang pagpapakita ng mga aktibidad ng bulkang Mayon sa Albay nang lumikha ito ng maingay na pagdagundong at 12 volcanic quakes gayundin ang tatlong beses na pagbagsak ng mga bato mula sa bulkan sa nakalipas na 24-oras.
Kaugnay nito, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mahina naman hanggang sa katamtaman ang steaming activity ng bulkan at ang crater glow nito ay naobserbahan sa intensity 2.
0 comments:
Post a Comment