Sunday, June 5, 2011

SOLON SA US: SAKLOLOHAN NYO NAMAN KAMI SA SPRATLYS



Bilang kaalyado ng Pilipinas, hindi dapat nanonood lang ang United States (U.S.) sa pam­babraso ng China sa Pinoy fishers sa inaangking teritoryo ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group (KIG) o Spratlys.


Ito ang reaksyon ni Valenzuela City Rep. Magtanggol ‘Magi’ Gunigundo sa panibagong insidente sa Spratly Islands kung saan pinaputukan ng Chinese warship ang mga Filipino na nangingisda sa Quirino o Jackson atoll na inaari ng Pilipinas.


Basura sa pag-ahon --- Nasaan ba ang mga nanay at tatay n’yo? Sa bawat pag-ahon ng mga batang ito sa Manila Bay ay nagkakandasabit sa katawan nila ang mga lumulutang na basura. Napakalaking peligro nito sa kanilang kalusugan. (Eric Fernandez)

“As an ally, dapat maipagtanggol naman tayo ng US. Sa laban nila, kasama tayo, kapag laban natin, pinababayaan tayo,” pahayag ni Gunigundo dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nang-harass ang China sa mga Filipino sa Spratly Islands.


Noong Pebrero 25, hinarass umano ng Chinese navy ang mga tauhan ng Department of Energy na nagsasagawa ng oil exploration sa Reed Bank na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.


Nilinaw ni Gunigundo na hindi nito nais magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil walang laban umano ang bansa pagda­ting sa Navy assets.


“Aminin na namin, we are no match sa navy assets ng China. Pero hindi ‘yan dapat maging dahilan para tayo ay haras-harasin. We should not take this for granted,” anang mambabatas sabay kalampag sa kaalyadong Kano na sumaklolo sa pang-­aagrabyado ng China.


Pinakikilos naman ni House committee on national defense and security chairman Rep. Rodolfo Biazon ang mga diplomatic corp ng Pilipinas para iprotesta ang patuloy na pangha-harass ng China sa mga Filipino sa Spratly Islands.


Kasabay nito, nais ng mambabatas na magpulong agad ang National Security Council (NSC) para hanapan ng solusyon ang problemang ito sa pinag-aagawang mga isla na sa paniniwala ng lahat ay sagana sa langis.


Sa isang regional security conference sa Singapore kahapon, nagbitaw na ng “warning” ang Estados Unidos sa pamamagitan ni US Defense Sec. Robert Gates na maaaring mauwi sa “armed conflict” ang sitwasyon sa South China Sea hangga’t hindi bumubuo ng isang mekanismo para sa mapayapang resolusyon sa pinag-aagawang oil-riched islands.



READ FULL STORY

0 comments:

Post a Comment