Ayon kay George San Mateo, Secretary General ng PISTON, ang hakbang ng kanilang samahan ay bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, buwis sa langis at Oil deregulation law.
Anya, magsasama-sama ang kanilang hanay sa España at Blumentritt, at pagsapit ng 9:30 ng umaga ay tutungo ng Trabajo market sa España para sumanib sa mga kaalyadong grupong manggagawa papunta sa Plaza Miranda at Liwasang Bonifacio na siyang lugar para isagawa ang kanilang programa.
Binatikos ni San Mateo ang Senador na nagsabing walang magagawa ang gobyerno sa non-stop oil price hikes at wala daw kapangyarihan ang gobyerno na imbestigahan ang oil overpricing na anya’y halatang nagsisilbing spokesman ng mga giants oil company at abogado ng mga ito.
READ FULL STORY
0 comments:
Post a Comment