Monday, April 18, 2011

JOCJOC AT CITO PINAGNINILAY PARA KUMANTA SA FERTILIZER SCAM

(Rose Miranda/Dindo Mati­ning)


Nais ng Malacañang na magnilay-nilay sina dating Department of Agriculture officials Luis ‘Cito’ Lorenzo at Jocelyn ‘Jocjoc’ Bolante kung dapat na kumanta na at ituro ang tunay na utak sa kontrobersyal na P728 milyong fertilizer fund scam.
Sa panayam sa himpilang Radyo ng Bayan, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na bagama’t hindi nila pipilitin ang dalawa na sabihin kung sino ang mastermind ng nasa­bing ano­malya ay umaasa umano sila na pag-iisipang mabuti ng dalawa ang nasabing bagay.
“Best judgment na nila, sila na ang bahalang mag­desisyon at pagnilayan,” ani Valte.
Aminado naman ang Malacañang na sa ngayon ay ayaw pa nilang ituro si dating Pangulo at dating Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa isyu hanggang hindi pa nakikita ang buong detalye sa ipinupursigeng kaso.
“Hindi tayo manghuhusga,” ani Valte.
Ginawa ng Malacañang ang pahayag matapos ang clamor ng ilang senador na magsalita na sina Lorenzo at Bolante sa isyu dahil tila ang mga ito umano ang naiipit sa kontrobersya na pasimuno naman umano ng ibang mas makapangyarihang mga personalidad.

0 comments:

Post a Comment