Wednesday, April 20, 2011

HINDI ANTI-CHRIST SI PNOY!

Ito ang pahayag kahapon ng Malacañang bilang sagot sa paratang ni Archbishop-Emeritus Oscar Cruz na anti-Christ si Pangulong Benigno Aquino III dahil sa pagsuporta nito sa contraceptives bilang pamamaraan sa family planning.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, masyadong unfair ang ginawang paghuhusga ni Cruz kay Pangulong Aquino dahil lamang sa pagnanais ng punong ehekutibo na bigyan ng sapat na impormasyon ang publiko sa mga pamamaraan ng family planning, ito man ay natural o artipisyal.
“I think that’s an unfair judgment of the President na hindi naman po porke sumusuporta po tayong bigyan ng pagkakataon at impormasyon at edukasyon ‘yung ating mga magulang ay magiging anti-Christ na po tayo. Hindi naman po, medyo unfair naman po ‘yon,” ani Valte.
Paglilinaw pa ng Malacañang, wala silang nakikitang masama kung itutulak ang Responsible Parenthood bill na nagbibigay ng lahat ng opsyon sa mag-asawang Filipino sa isyu ng family planning ngunit tiniyak ng ehekutibo na kahit kailan ay hindi nila susuportahan ang aborsyon.
Muling uminit ang is­yung pagsuporta ni Aquino sa RH bill nang sabihin nito sa commencement exercises sa UP Diliman na handa siyang itiwalag ng Simbahang Katoliko kung hindi mauunawaan ng mga ito ang obligasyon niyang impormahan at tulungan ang publiko sa isyu ng family planning.
Kaugnay nito, naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na nasa tamang daan ang ginagawang hakbang ni PNoy na isulong ang “population management” para mapigil ang lumalang kahirapan sa bansa.
“Mr. Aquino is on the right track in pushing popu­lation management to curb the perennial problem of poverty,” ani Lacson.
“Advocating population management is not being anti-life. In fact, it is pro-country and pro-people,” dagdag pa nito.

READ FULL STORY

0 comments:

Post a Comment